Una, gusto ko sanang i-blog about Kikiam(my first love) pero biglang naalala ko yung super best friend ko of all time.
Si Reynan Agowac Gup-ay isa ding diva like me. Nag start ang aming friendship sa Men's dorm ng Sobrang Lochia University. Nung una ko syang nakita, bigla akong nag pray. Sabi ko "Lord, salamat at napakaganda kong nilalang. Dikit ang aking front teeth at makinis ang mukha." Si Reynan kasi yung front teeth nya parang matter (anything that occupies space, very spacious) and ang face nya ay OVER!!! Kung baga sa PSP game over! Kasi natalo ka na ng monster.
Si Reynan kapag nalulungkot ka titingnan mo lang sya ay sasaya ka na. Hindi naman sya mukhang clown sadyang maganda lang talaga sya in her own way. So ayun, sa pagkikita pa lang
namin na yun, I already knew she'll be my best friend. The divas best
friend!!!
Bagong lipat sya nun sa men's dorm at syempre bilang reyna dorm ako ang nag-introduce sa kanya as MULAN. Yung isa kong diva friend, ang name nya naman ay Israel, ginawa kong BARANG para pasok sa very halloween aura nya. After Mulan's baptismal as diva of men's dorm, duon na kami nag-blossom. Kasabay ng Panagbenga Festival at kahit tapos na ang flower festival patuloy pa din kaming nag-blossom.
Pharmacy sya at marketing naman ako kahit ganun ay araw araw pa rin kaming magkasama at sa bandang huli magkasama kaming lumabas ng mens dorm kasama ang magandang alaala ng mga lalaki duon. Lumipat na kami ni Mulan sa Brookside na kung saan gumawa kami ng bagong head quarters naming mga diva. Ang Lower Brookside ginawa naming Upper Pinkside, kung saan namin na-experience magmahal, masaktan, magtennis sa daan, napagtripan ng lasing, hinabol ng aso, nanghabol ng aso para gumanti, mang okray ng dumadaang mga beki.
Ang dami kong gustong ilagay dito dahil natuto kaming dalawa sa isa't isa. Natutong maging divine diva! Hindi ako magiging si Bamba kung hindi dahil kay Mulan. Dumating na ang graduation and its time to fly. Nag-appear si Mulan na parang maligno sa graduation ko. Kahit hindi pumunta ang dad ko, okay lang basta andun si bading.
Yung tingin ni Mulan sa akin nung graduation parang sinasabi nya "Bamba , I'm so proud of you and I'll miss you." Pero nung lumapit sya sa akin, ang sabi nya lang "teh, san tayo kakain?" After ng graduation, nag-medicine si Mulan at ako naman ay nag-nursing! Nagbago na ang pangarap namin, dati kasi sabi nya sya gagawa ng drugs, ako naman ang magbebenta. So parang ginawa nya akong drug pusher pero after graduation nagkikita pa din kami.
Sa aming huling pagkikita, sabi nya "Bamba, ingat ka ha?!" Dumating ang hindi inaasahan. Tumawag si Karen, hindi sya diva pero beki sya. Imagine? Tinawagan ako ng babae!! Bungga!!! Iba ang boses ng beki, nakakaloka!!! Tapos nung sinabi nya sa akin na "Wala na si Reynan" ang una kong naramdaman ay nawala ang kalahati na aking buong pagkatao. Nahati na si Bamba, hindi hating aswang kung hindi hating diva. Ang aking best friend iniwan na ako. Iniwan nya na ako at sumama na kay bro. Ngayong nalalapit na ang birthday ng natatanging best friend ko, nais ko sanang magrequest kung sino man ang nagbabasa ng blog na ito paki-hug ang pinaka best friend nyo dahil malay nyo kamukha din ng best friend ko ang sa inyo. Kamukhang magmamahal ng totoo and will bring out the diva in you.
Kaya Ate Charo, nais ko po sanang irequest na ang gumanap sa akin ay si Kim Chui at kay Reynan naman po ay si Madam Auring.
Happy Birthday MULAN!!!
Lubos na Gumagalang,
Bamba Fierce
0 comments:
Post a Comment